Tuesday, February 1, 2011

SHIT KAYONG LAHAT!

Sino ba namang ang hindi mapapamura kung isa kang NURSE???

Sa mga Nursing students sa ngayon wala pa yata sa kalahati ang bukal sa loob ang pagkuha ng kurso na ito. Marami sa mga ito ang pinilit lang ng kanilang pamilya sa pagaakalang dito madali ang pera. Ang hindi nila alam dito madali maubos ang pera at hindi ang pagdating.

First yr college pa lang ako alam ko na sa sarili ko na hindi magtatagal ang pagiging nurse ko. Alam kong meron pa akong ibang gustong gawin sa buhay ko. Minsan ko na rin naisip mag shift ng course dhil sa hirap na dinaranas ko. Una na dyan ang hindi pagkain sa tamang oras na muntik pa akong maconfine sa hospital. Ang kawaln ko ng tulog dahil sa dami ng paperworks na kelangan gawin at ipasa. Ang mga libro na kelangan basahin at kahit ilang beses ko naman basahin e hindi ko maintindhan buti ang mga story books kahit isang basahan lang gets ko na agad. Ang mga nagmamagandang mga staff nurse na kala mo kung sino porket may lisensya na sila e kala mo kung sino mang hamak.

Pero naisip ko napaka swerte ko parin na nakatapos ako at nakapasa sa board exam sa tamang oras. Wala akong naging bagsak nun nagaaral pako kahit puro gala at lakwatsa ang nasa isip ko. Salamt na lang at mabait at matalino ang katabi ko, pede ng hindi magreview at nagpapakopya naman siya. At ang isa pang miracle na naganp ay ang pagpasa ko sa board na hindi ko man lang sineryoso ang pagrereview. Biruin mo mas madami pang absent ako kesa sa ipinasok ko. Nariyan na ang aalis ako ng bahay para pumunta sa school para sa attendance tapos aalis na rin sa break para magpunta sa mall at manood ng sine. Nariyan din ang pagabsent ko ng isang linggo para magbakasyon sa Ilocos. Diba napakasarap na buhay??

Ngayong nagttrabaho nako marami parin mga ka staff na nakakabwiset. Porket ba mas matanda at mas may experience na sila kesa sakin pede na nila akong maliitin? Hindi ata to nagpapatalo. Hoy TOMASINO kaya ako! Kung anu man yang alam mo e alam ko rin at alam ko na mas magaling pako sau! 

At xempre hindi mawawala ang mga pasyente na ubod ng kulit at pasaway. Alama naman nilang para sa kanila na nga un ginagawa e aba ginagawa parin ang asal. Kung pede lang silang mura murahin ng harapan para tumino kaso hindi e, kaya nga sila nasa hospital kasi may diperensya tapos gaganunin ko pa, anung klaseng tao naman ako dba? Iniintindi ko na lang ng sobrang lalim kahit sobrang nakakstress ang mga katulad nila.


No comments:

Post a Comment