Monday, January 24, 2011

Sino ako?

Jose Lorenzo ang pangalan na ibinigay sakin ng mga magulang, Jose dahil sa malapit ang birthday ko sa feast ni St. Joseph at Lorenzo dahil devotee ni Lorenzo Ruiz ang aming pamilya. Kung gaano kabanal ang pangalan ko ay  sya namang isinama ng ugali ko! 

Ipinanganak ako sa isang maliit na bayan sa Batangas. Opo probinsiyano po ako kaya walang magaangas dyan dahil akoy nagmula sa bayan ng mga magigiting. Ingat lang dahil sa baon kong balisong hehehe. Biro lang, hindi nga ako marunong gumamit nun e. Hanggang props lang gamit nun sakin.

21 taon gulang sa ngayon at mag 22 sa loob ng 2 buwan. Kung sa laring Bingo e dalawang madreng nakaluhod hindi nga lang alam kung anung ginagawa nila hehehe

Namulat ako sa maayos na pamilya. Bunso ako kaya naman lahat halos ng aking pangangailangan ay kaya nilang tugunan. Nag-aral ako sa private school nun elementary pero napilitang lumipat sa public school dahil sa seryosong family problem. Nawala lahat ng pag-aari namin at muntik pang masira ang aming pamilya. Buti na lang at nakabangon kaming muli.

Nag-aral akong muli sa isang public High School kung saan marami akong magaganda at meron din namang di kagandahan na experience. 

Sa isang sikat na kolehiyo sa Manila ako nagtapos ng pagiging NARS. Swerte ko rin naman at nachambahan ko ang board exam. Buti na lang at di ko naexperience magpaulit ulit ng exam.

Sa ngayon balik probinsya ako dahil andito ang trabaho. maliit nga kita ko pero nasa sarili naman akong bahay saka sa totoo lang wala naman talaga akong pagkakagastusan e.

Sa ngayon ito muna pero sa mga darating pang panahon, mas makikilala nyo rin ako :)))

Sunday, January 23, 2011

bakit nga ba?

bakit nga ba ako gumawa nito tanong ko sa sarili. ewan ko rin pero parang naiinspire lang akong magsulat ng mga everyday experiences ko lalo na ngayon at nagttrabaho nako, meron nakong outlet na pedeng paglabasan ng sama ng loob at hingapis. pero bago ang lahat sisimulan ko muna ang pagbblog sa pagpapakilala sa sarili ko, ang hirap naman kung magkukuwento ako ng walang nakakrelate diba? hindi talaga ako magalaing sa pagsusulat pero kung anu lang puasok sa isip ko un na lang ittype ko. kahit naman walang bumasa nito ok lang basta may maisulat at mailabas ko lang un nararamdaman ko. :))

it's new!

after a long time of reading different blogs from different kind of people, i finally decide to make my own page just to write everything that comes to my mind.