Monday, February 7, 2011

PALAKANG KOKAK!

Natatandaan ko noong bata pa ako takot na takot ako palaka. Meron kasing nagsabi sakin na un lura ng palaka e nagccause ng kulugo. Kaya pag may nakikita o naririnig akong palaka e nangangatal na buong katawan ko. 

Hangang paglaki ko dala-dala ko un paniniwalang yun kaya naman napagtawanan lang ako ng bongga ng mga kaklase ko sa Zoology class. Kelangan kasi namin mag-disect ng frog! Hindi naman sa narurumi ako pero parang ganun na rin basta ayaw ko talaga sa palaka. 

Oras na ng pagbibigay samin ng kanya kanyang frog at hindi ko makuha un sakin kahit may cannister naman siya. Nakalagay un mga frogs namin sa cannister na may formalin para nd agad madecay at para matagal magamit. Patay na naman un mga palaka pero hindi ko parin kayang hawakan at feeling ko ba e tatalon parin sila. Naka-gloves nako pero hindi ko parin magawang ilabas un sakin, pinlabas ko pa dun sa katabi ko. Naka spread lang un mga daliri ko na parang dinadasalan un palaka ko habang nakapikit ng biglang hawakan ng seatmate ko un kamay ko at ipinatong sa palaka. Napasigaw talaga ako ng sobra at nagtinginan ang lahat sakin. Masamang tingin lang ang binigay ng prof namin sakin, pero ramdam ko ang tingin na un. Iniisip siguro ng prof namin na kalalaki kong tao e takot sa palaka. esa takot talaga ako e anu magagawa nya?? isang buwan ko din tiniis ang halos araw araw na paghawak sa mga palakang yon at sa awa ng Papo e nakapasa naman ako.

Nang minsan magbakasyon ako sa Ilocos kasama kapatid at mga ka opisina nya may nakakahiya na naman akong experience with the frog! Isa sa mga place na binisita namin ay ang Pagudpud kung saan nakapaganda ng beach. Maraming puno ng niyog sa labas ng resort na tinigilan namin, at sa labas kami magbbreakfast. Paglabas ko syempre lakad lakad ako ng may palakang tumalon sa harap ko. Napasigaw na naman akong malakas na parang may multo at talagang napaakyat ako sa puno ny niyog. Mukha akong unggoy na hindi makababa. Buti na lang at walang ganong tao dun sa labas. Nakababa lang ako ng pinaalis ng mga kasama ko un palakang tumatalon talon. Naisip ko nagbbeach din pala ang mga frogs, kala ko sa fresh water lang sila pati rin pala sa salt water. 

Kanina bibili ako sa tindahan ng makakain at medyo nakakaramdam nako ng gutom, wala kasing merienda na nagdala sa bahay. Umuulan pala kaya kumuha ako ng payong. Kalalabas ko pa lang sa terrace e may narining nakong nag kokak (bermuda un labas ng bahay namin kc garden) pero hindi ko na un pinansin, deadma na lang hanggang sa makalabas ako ng gate. Pagbalik ko kita ko may tumatalon talon dun sa baba ng mga halaman kaya karipas nako ng pagtakbo hanggang makapasok nako sa terrace. Mukha talaga akong tanga at baka isipin ng makakakita sakin na nagtatampisaw ako sa ulan. 

Thursday, February 3, 2011

TELESERYE...

Bukod sa mga teleserye na napapanood ko sa tv araw araw, marami parin akong teleserye na nasusubaybayan pagdating ko sa hospital. Madalas nga mas nakakaiyak at mas nakakadala pa un napapanood ko sa hospital kesa un nasa tv to think na mga artista nga sila. Ewan ko pero siguro dahil nasa harap mismo ako ng mga nagdadrama, action, at kung anu pa at wala sa likod ng camera. Makapagdamdamin yun mga linya na nila na sa totoong buhay pala e nangyayari un mga bagay na yun at minsan may kalayuan sa mga pinalalabas sa tv. 

Narito ang ilan sa mga eksena at linyang hinding hindi ko makakalimutan:

1. Naaksidente ang isang lalaki na 40 anyos, may asawa at mga anak. Patuloy ang paglaki ng hemorrhage sa ulo nya at kelangan ng agarang operasyon kundi mas mapapadali ang kanyang buhay. 
PEPE(ako un): nag-aambubag...
NANAY: Dyos ko po anak ko... (humahagulgol na habng asa pinto pa lang ng kwarto)
ASAWA: (nagulat at tahimik na umiyak)
NANAY: anak gising ikaw gising, andito na ang nanay oh, dali gising na ikaw anak ko... (umiiyak parin ng malakas)
PEPE: deretso lang sa pag ambubag at medyo naaawa na sa nanay
ASAWA: gising na ikaw asawa ko. diba aatend pa tau ng graduation ni ineng. alam kong excited ka na na e, inaantay ka na sa bahay...
PEPE: (hindi ko na kinaya at nakipagpalit nako sa pinsan nya ng pamambubag)

Nakakalungkot lang na kulang sila sa pera at hindi na nila kaya pang ipagamot ang mahal nila sa buhay. Noong gabi din un nag HAMA na sila o Home Against Medical Advice. Sigurado ako hindi na rin nagtagal pa ng 24 oras matapos nilang lumabas e tuluyan na silang iniwan.

2. Sa ER biglang sumigaw un guard ng may pasyente! Pagkakita namin may tricycle na nakatigil sa harap ng ER at nagbababa ng kanilang pasyente. Mga lalaking lasing na naaksedente sa may di kalayuan.
PARE1:naaksidente ang tropa namin, meron pa dyan... walang tutulong samin dito?? naaksidente mga kaibigan ko! (pasigaw nyang sinabi mga linyang yan)
PEPE: di nyo ba nakikitang may ginagawa na kami? At bawal po kau dito sa loob, pasyente na lamang po muna at isang bantay, un iba po dun na muna sa lbas. (medyo mababa pa boses ko dyan)
PARE2: (nakakapit sa isa sa mga kaibigan nilang naaksidente, 3 kasi silang naaksidente) Pare laban lang, wag kang bibitaw. Andito lang kami sa tabi mo, kaya natin to...
PEPE: sir sa labas na muna po tayo at nahihirapan kaming makagalaw kung andyan na kayong lahat (habang nagpapack ako ng mga sugat)
LASING1: masakit un binti ko, ah...... (nagiinarte sa kama nya habang nilalagyan ng swero, kinukuhaan ng Vs o Vital signs at pinapack ang mga sugat)
LASING2: pare un maganda kong mukha basag! pare wasak mukha ko! (lasing na lasing pa)
PARE1: lakasan mo loob pare, malalampasan natin to. walang iwanan pare ha...
PEPE: sinabi na ngat sa labas na muna yun mga hindi pasyente e! 
LASING2: (habang nililinis para malagyan ng local anesthesia) Aray masakit ah.....
DOCTOR: wala pa naman ah, lalagyan pa nga lang ng anestisya e...

Kung minsan talaga hindi ko maintindihan ang mag pasyenteng lasing. Nalalasing din naman ako pero alam kong hindi ko sila kasing kulit. Sa awa naman ng Papo e buhay silang lahat, buong magdamag namain kaming nagtahi ng mga sugat nila... 2 araw ko rin ininda ang sakit ng likod ko dahil sa tagal ng pagyuko at pagtayo.

Sa susunod plano ko ng maging writer ng isang play o kaya tunay ng Teleserye na un mga lines kong gagamitin e un mga linyang di ko malilimutan mula sa aking mga pasyente..

itutuloy...

Tuesday, February 1, 2011

SHIT KAYONG LAHAT!

Sino ba namang ang hindi mapapamura kung isa kang NURSE???

Sa mga Nursing students sa ngayon wala pa yata sa kalahati ang bukal sa loob ang pagkuha ng kurso na ito. Marami sa mga ito ang pinilit lang ng kanilang pamilya sa pagaakalang dito madali ang pera. Ang hindi nila alam dito madali maubos ang pera at hindi ang pagdating.

First yr college pa lang ako alam ko na sa sarili ko na hindi magtatagal ang pagiging nurse ko. Alam kong meron pa akong ibang gustong gawin sa buhay ko. Minsan ko na rin naisip mag shift ng course dhil sa hirap na dinaranas ko. Una na dyan ang hindi pagkain sa tamang oras na muntik pa akong maconfine sa hospital. Ang kawaln ko ng tulog dahil sa dami ng paperworks na kelangan gawin at ipasa. Ang mga libro na kelangan basahin at kahit ilang beses ko naman basahin e hindi ko maintindhan buti ang mga story books kahit isang basahan lang gets ko na agad. Ang mga nagmamagandang mga staff nurse na kala mo kung sino porket may lisensya na sila e kala mo kung sino mang hamak.

Pero naisip ko napaka swerte ko parin na nakatapos ako at nakapasa sa board exam sa tamang oras. Wala akong naging bagsak nun nagaaral pako kahit puro gala at lakwatsa ang nasa isip ko. Salamt na lang at mabait at matalino ang katabi ko, pede ng hindi magreview at nagpapakopya naman siya. At ang isa pang miracle na naganp ay ang pagpasa ko sa board na hindi ko man lang sineryoso ang pagrereview. Biruin mo mas madami pang absent ako kesa sa ipinasok ko. Nariyan na ang aalis ako ng bahay para pumunta sa school para sa attendance tapos aalis na rin sa break para magpunta sa mall at manood ng sine. Nariyan din ang pagabsent ko ng isang linggo para magbakasyon sa Ilocos. Diba napakasarap na buhay??

Ngayong nagttrabaho nako marami parin mga ka staff na nakakabwiset. Porket ba mas matanda at mas may experience na sila kesa sakin pede na nila akong maliitin? Hindi ata to nagpapatalo. Hoy TOMASINO kaya ako! Kung anu man yang alam mo e alam ko rin at alam ko na mas magaling pako sau! 

At xempre hindi mawawala ang mga pasyente na ubod ng kulit at pasaway. Alama naman nilang para sa kanila na nga un ginagawa e aba ginagawa parin ang asal. Kung pede lang silang mura murahin ng harapan para tumino kaso hindi e, kaya nga sila nasa hospital kasi may diperensya tapos gaganunin ko pa, anung klaseng tao naman ako dba? Iniintindi ko na lang ng sobrang lalim kahit sobrang nakakstress ang mga katulad nila.