Sunday, December 18, 2011

Oh You're barking on a wrong tree!

I just want to share my experiences sa mga washroom ng mall na medyo may napapansin akong kakaibang pangyayari na nagaganap. Hindi lang cguro ako ang nakakaexperience nun o baka meron talagang ganung transaction sa mga yun. Pero bago ang lahat, konting info lang sa mga hindi nakakaalam, isa akong Batangueno at madalas ay umuuwi lumuwas ako sa Manila sa twing magsshopping at may party ako na pupuntahan. Malapit sa isang mall sa Pasay un terminal ng van pauwi samin. 

College pa lang ako everytime na uuwi ako sa Batangas e dumadaan ako sa mall na yun kc dun nga un terminal. So bago ako umuwi nagpipilit nakong umihi kasi mahirap nang sa byahe pako abutin. Everytime na umiihi ako sa Cr na un kc un lang naman un free na cr dun at may bayad na un sa ibang floors, hindi pedeng walang tao dun, ewan ko ba, puno ng mga lalaking nagpupulbos at mayat maya na lang nag-ayos ng buhok. ako naman pagkaihi at hugas ng kamay alis na agad. 2 urinal lang saka 2 bowl un andun so siksikan talaga at madalas out of order pa un isang cubicle kaya 3 lang un pedeng ihi-an. 

Madalas pag umiihi ako dun may kasabay sa kabilang urinal, at madalas din e ang tatagal nilang umihi. Ewan ko kung anung seremonya pa ginagawa ng mga yun, hindi ko naman kasi ugali na tingnan ang ibang tao habang umiihi sila. Wala rin akong paki-alam kung bosohan man ako, bilang isang nurse e nakita ko na ata lahat ng pedeng makita sa isang tao sa loob o labas man ng katawan. Kung makitaan man ako e ok lang sakin , tingin lang naman e hindi naman makukuha.  

Hanggang sa sunod sunod na nga ang mga kakaibang experiences ko sa cr na un. Isang beses, masyado pang maaga yun at wala ganung tao, habang umiihi ako may lalaking nananalamin. Ako naman deadma lang basta go lang ihi lang. After kong umihi nanalamin at inayos ang belt. Aba si kuyang nananalamin bumababa ang tingin sa aking pantalon, at literal na yumuko para tingnan ang pagaayos ko. sa sobrang takot ko hindi nako nakapag wash ng hands. Katakot to the max si kuya!

Isang beses pa habang umiihi ako ulit, un katabi ko napansin ko na aba medyo matagal na xa dun sa pwesto nya kc bago pako umi e andun na xa. Pansin ko sa peripheral view ko na gumagalaw un arms nya, sa isip ko lang ah baka tapos na, nagwawawag wag na lang. Pero medyo matagal na talaga si kuya kaya kahit nd ko ugali e tiningnan ko na din. Kagulat gulat na nagsasarili si kuya habang nakatingin saking maamong pagaari. dali dali akong lumabas at hindi na naman nakapag hugas.

Maliit lang naman un mall na yun pero ubod lagi ng tao. papalakad pa lang ako may mga lalaki ng naka tambay sa mga benches na malapit dun sa cr. Sa isip ko naman baka may kasama na inaantay lang. habang naglalakad ako meron lalaking malayo pa lang ako e sakin na agad nakatingin. i dunno pero parang I have this feeling na I know when someone is looking at me. Ang lakas lang tlaga ng radar ko. Halos magkatitigan kami habng naglalakad ako, iniisip ko kilala ko ba ang tao na ito? Isa ba siya sa mga dati kong classmates na hindi ko na kilala dahil hindi naman siya bahagi ng aking circle of friends? pagpasok ko ng cr aba himala walang tao. Konting tingin sa salamin at diretso sa urinal. Napansin ko na may taong pumasok at dumiretso na sa katabi kong urinal. napatingin ako at si kuya pala na katitigan ko sa labas. diretso lang ako sa pagihi ng sinitsinat nya ako at ihinarap sa akin ang galit galit nyang alaga. deadma lang ako diretso na pag ihi ko. hindi pa nakuntento at lumapit pa ang kwago. Buti na lang at may mga tao na nagpasukan at naputol ang maduming balak ni kuya. Dali dali akong lumbas at hindi na naman nakapag hugas.

At ang pinaka huli kong experience kanina lang. Galing kasi akong party at late ng umuwi, tapos gumising ako ng maaga para umuwi na ng Batangas. Dahil nga sa kalasingan at kakulangan ng tulog e medyo bangag pako. Pag pasok ko sa cr may lalaking medyo may age na, cguro asa late 30's or early 40's na xa na nananalamin. Diretso ako sa urinal kc wala naman tao at maaga pa nga. Habang umiihi ako, si kuyang nananalamin e lumipat na sa kabilang urinal at ewan ko kung anung ginawa nya pero kita ko sa aking peripheral view na binosohan nya ako. So ako naman deadma lang. After kong umihi sa wakas nakapg hugas din, nagaayos ako ng belt habang c kuya e katabi ko na. semesenyas na sumama daw ako sa kanya at inilabas pa sa bulsa nya na may dala siyang condom. Hala si kuya nagpropose na! Deadma lang ulit siya sakin. konting punas ako ng mukha at lumabas na. Hindi pa dun natapos ang lahat, habang naglalakad ako palabas e sinusundan nya ako, Napatingin ako sa likod ko at andun siya sinesenyasan akong sumunod sa kanya. Asa naman siya noh. Kaya binilisan ko ang lakad at diretso sa terminal na mukhang squatter's area. Diretso pasok ako agad sa van at buti na lang at tinted ang van hindi ako kita ni kuya na kanina pang sunod ng sunod. Kita ko from the inside na hinahanap ako ni kuya, Lingon siya ng lingon at paikot ikot sa Van, kita kong pumasok pa siya sa isang eskinita at dali dali din lumabas. 

Ngayon ko lang napatunayan na ang GWAPO ko talaga. Shit ang yabang ko lang haha. Pero ewan ko nga ba, mukha ba akong ganun? Mkha ba akong naghahanap ng panandaliang aliw sa mga ganung lugar? Im sorry educated naman ako at may Class. Ang cheap ko naman kung sa mall lang ako maghahanap ng panandaliang aliw. 

Monday, December 12, 2011

Start of something new!

It's been awhile since my last post. Kahit naman hindi ganun ka busy e tinatamad naman akong magisip ng dapat isulat dito. Pero dahil malapit na ang 2012, I'll try my best na kahit panu e makag sulat kahit once a week lang. Makapag bahagi ng kahit kaunting kaganapan sa aking mumunting buhay. Kahit wala akong followers dito ok lang, maging outlet lang ng aking emotions. 

Sunday, April 3, 2011

WTF?

WTF talaga!
hindi ko alam kung anung nangyayari sakin.
feeling ko inlove ako sa taong hindi ko naman kilala
pero hindi pedeng ma inlove na ako agad
infatuation lang un
Im convincing myself na pagod lang ako
kaya ako nagkakaganto.
pero panu kung inlove na nga ako sa kanya?
anu? hindi na xa nawawala sa isip ko!
pucha naman oh!
hindi ko na alam talaga gagawin ko
dapat ko ba xang kausapin about sa nararamdaman ko?
may kakaiba kasi sa kanya
panu ba toh?
hindi naman ako sigurado sa alam ko e
pero malakas pakiramdam ko sa mga nakikita at nalalaman ko
haaaaaaaaaaaayyyyyyyyy....
anu ba? nakkainis naman bakit ba kc kelangan ko pa tong maramdaman
pede namang hindi
kelangan ko lang ng distraction
isang mahimbing na tulog lang katapat nito tapos wala na
kelangan kolang malau sa kanya
well magkalau naman talaga akmi
pero kelangan kong hindi ko muna xa makita at makausap kahit sa picture lang
baka lalo lang akong masaktan e
uu nagseselos ako.
nagseselos ako sa closeness nya
sana tau na lang at hindi kau
sana ako na lang!

Monday, February 7, 2011

PALAKANG KOKAK!

Natatandaan ko noong bata pa ako takot na takot ako palaka. Meron kasing nagsabi sakin na un lura ng palaka e nagccause ng kulugo. Kaya pag may nakikita o naririnig akong palaka e nangangatal na buong katawan ko. 

Hangang paglaki ko dala-dala ko un paniniwalang yun kaya naman napagtawanan lang ako ng bongga ng mga kaklase ko sa Zoology class. Kelangan kasi namin mag-disect ng frog! Hindi naman sa narurumi ako pero parang ganun na rin basta ayaw ko talaga sa palaka. 

Oras na ng pagbibigay samin ng kanya kanyang frog at hindi ko makuha un sakin kahit may cannister naman siya. Nakalagay un mga frogs namin sa cannister na may formalin para nd agad madecay at para matagal magamit. Patay na naman un mga palaka pero hindi ko parin kayang hawakan at feeling ko ba e tatalon parin sila. Naka-gloves nako pero hindi ko parin magawang ilabas un sakin, pinlabas ko pa dun sa katabi ko. Naka spread lang un mga daliri ko na parang dinadasalan un palaka ko habang nakapikit ng biglang hawakan ng seatmate ko un kamay ko at ipinatong sa palaka. Napasigaw talaga ako ng sobra at nagtinginan ang lahat sakin. Masamang tingin lang ang binigay ng prof namin sakin, pero ramdam ko ang tingin na un. Iniisip siguro ng prof namin na kalalaki kong tao e takot sa palaka. esa takot talaga ako e anu magagawa nya?? isang buwan ko din tiniis ang halos araw araw na paghawak sa mga palakang yon at sa awa ng Papo e nakapasa naman ako.

Nang minsan magbakasyon ako sa Ilocos kasama kapatid at mga ka opisina nya may nakakahiya na naman akong experience with the frog! Isa sa mga place na binisita namin ay ang Pagudpud kung saan nakapaganda ng beach. Maraming puno ng niyog sa labas ng resort na tinigilan namin, at sa labas kami magbbreakfast. Paglabas ko syempre lakad lakad ako ng may palakang tumalon sa harap ko. Napasigaw na naman akong malakas na parang may multo at talagang napaakyat ako sa puno ny niyog. Mukha akong unggoy na hindi makababa. Buti na lang at walang ganong tao dun sa labas. Nakababa lang ako ng pinaalis ng mga kasama ko un palakang tumatalon talon. Naisip ko nagbbeach din pala ang mga frogs, kala ko sa fresh water lang sila pati rin pala sa salt water. 

Kanina bibili ako sa tindahan ng makakain at medyo nakakaramdam nako ng gutom, wala kasing merienda na nagdala sa bahay. Umuulan pala kaya kumuha ako ng payong. Kalalabas ko pa lang sa terrace e may narining nakong nag kokak (bermuda un labas ng bahay namin kc garden) pero hindi ko na un pinansin, deadma na lang hanggang sa makalabas ako ng gate. Pagbalik ko kita ko may tumatalon talon dun sa baba ng mga halaman kaya karipas nako ng pagtakbo hanggang makapasok nako sa terrace. Mukha talaga akong tanga at baka isipin ng makakakita sakin na nagtatampisaw ako sa ulan. 

Thursday, February 3, 2011

TELESERYE...

Bukod sa mga teleserye na napapanood ko sa tv araw araw, marami parin akong teleserye na nasusubaybayan pagdating ko sa hospital. Madalas nga mas nakakaiyak at mas nakakadala pa un napapanood ko sa hospital kesa un nasa tv to think na mga artista nga sila. Ewan ko pero siguro dahil nasa harap mismo ako ng mga nagdadrama, action, at kung anu pa at wala sa likod ng camera. Makapagdamdamin yun mga linya na nila na sa totoong buhay pala e nangyayari un mga bagay na yun at minsan may kalayuan sa mga pinalalabas sa tv. 

Narito ang ilan sa mga eksena at linyang hinding hindi ko makakalimutan:

1. Naaksidente ang isang lalaki na 40 anyos, may asawa at mga anak. Patuloy ang paglaki ng hemorrhage sa ulo nya at kelangan ng agarang operasyon kundi mas mapapadali ang kanyang buhay. 
PEPE(ako un): nag-aambubag...
NANAY: Dyos ko po anak ko... (humahagulgol na habng asa pinto pa lang ng kwarto)
ASAWA: (nagulat at tahimik na umiyak)
NANAY: anak gising ikaw gising, andito na ang nanay oh, dali gising na ikaw anak ko... (umiiyak parin ng malakas)
PEPE: deretso lang sa pag ambubag at medyo naaawa na sa nanay
ASAWA: gising na ikaw asawa ko. diba aatend pa tau ng graduation ni ineng. alam kong excited ka na na e, inaantay ka na sa bahay...
PEPE: (hindi ko na kinaya at nakipagpalit nako sa pinsan nya ng pamambubag)

Nakakalungkot lang na kulang sila sa pera at hindi na nila kaya pang ipagamot ang mahal nila sa buhay. Noong gabi din un nag HAMA na sila o Home Against Medical Advice. Sigurado ako hindi na rin nagtagal pa ng 24 oras matapos nilang lumabas e tuluyan na silang iniwan.

2. Sa ER biglang sumigaw un guard ng may pasyente! Pagkakita namin may tricycle na nakatigil sa harap ng ER at nagbababa ng kanilang pasyente. Mga lalaking lasing na naaksedente sa may di kalayuan.
PARE1:naaksidente ang tropa namin, meron pa dyan... walang tutulong samin dito?? naaksidente mga kaibigan ko! (pasigaw nyang sinabi mga linyang yan)
PEPE: di nyo ba nakikitang may ginagawa na kami? At bawal po kau dito sa loob, pasyente na lamang po muna at isang bantay, un iba po dun na muna sa lbas. (medyo mababa pa boses ko dyan)
PARE2: (nakakapit sa isa sa mga kaibigan nilang naaksidente, 3 kasi silang naaksidente) Pare laban lang, wag kang bibitaw. Andito lang kami sa tabi mo, kaya natin to...
PEPE: sir sa labas na muna po tayo at nahihirapan kaming makagalaw kung andyan na kayong lahat (habang nagpapack ako ng mga sugat)
LASING1: masakit un binti ko, ah...... (nagiinarte sa kama nya habang nilalagyan ng swero, kinukuhaan ng Vs o Vital signs at pinapack ang mga sugat)
LASING2: pare un maganda kong mukha basag! pare wasak mukha ko! (lasing na lasing pa)
PARE1: lakasan mo loob pare, malalampasan natin to. walang iwanan pare ha...
PEPE: sinabi na ngat sa labas na muna yun mga hindi pasyente e! 
LASING2: (habang nililinis para malagyan ng local anesthesia) Aray masakit ah.....
DOCTOR: wala pa naman ah, lalagyan pa nga lang ng anestisya e...

Kung minsan talaga hindi ko maintindihan ang mag pasyenteng lasing. Nalalasing din naman ako pero alam kong hindi ko sila kasing kulit. Sa awa naman ng Papo e buhay silang lahat, buong magdamag namain kaming nagtahi ng mga sugat nila... 2 araw ko rin ininda ang sakit ng likod ko dahil sa tagal ng pagyuko at pagtayo.

Sa susunod plano ko ng maging writer ng isang play o kaya tunay ng Teleserye na un mga lines kong gagamitin e un mga linyang di ko malilimutan mula sa aking mga pasyente..

itutuloy...

Tuesday, February 1, 2011

SHIT KAYONG LAHAT!

Sino ba namang ang hindi mapapamura kung isa kang NURSE???

Sa mga Nursing students sa ngayon wala pa yata sa kalahati ang bukal sa loob ang pagkuha ng kurso na ito. Marami sa mga ito ang pinilit lang ng kanilang pamilya sa pagaakalang dito madali ang pera. Ang hindi nila alam dito madali maubos ang pera at hindi ang pagdating.

First yr college pa lang ako alam ko na sa sarili ko na hindi magtatagal ang pagiging nurse ko. Alam kong meron pa akong ibang gustong gawin sa buhay ko. Minsan ko na rin naisip mag shift ng course dhil sa hirap na dinaranas ko. Una na dyan ang hindi pagkain sa tamang oras na muntik pa akong maconfine sa hospital. Ang kawaln ko ng tulog dahil sa dami ng paperworks na kelangan gawin at ipasa. Ang mga libro na kelangan basahin at kahit ilang beses ko naman basahin e hindi ko maintindhan buti ang mga story books kahit isang basahan lang gets ko na agad. Ang mga nagmamagandang mga staff nurse na kala mo kung sino porket may lisensya na sila e kala mo kung sino mang hamak.

Pero naisip ko napaka swerte ko parin na nakatapos ako at nakapasa sa board exam sa tamang oras. Wala akong naging bagsak nun nagaaral pako kahit puro gala at lakwatsa ang nasa isip ko. Salamt na lang at mabait at matalino ang katabi ko, pede ng hindi magreview at nagpapakopya naman siya. At ang isa pang miracle na naganp ay ang pagpasa ko sa board na hindi ko man lang sineryoso ang pagrereview. Biruin mo mas madami pang absent ako kesa sa ipinasok ko. Nariyan na ang aalis ako ng bahay para pumunta sa school para sa attendance tapos aalis na rin sa break para magpunta sa mall at manood ng sine. Nariyan din ang pagabsent ko ng isang linggo para magbakasyon sa Ilocos. Diba napakasarap na buhay??

Ngayong nagttrabaho nako marami parin mga ka staff na nakakabwiset. Porket ba mas matanda at mas may experience na sila kesa sakin pede na nila akong maliitin? Hindi ata to nagpapatalo. Hoy TOMASINO kaya ako! Kung anu man yang alam mo e alam ko rin at alam ko na mas magaling pako sau! 

At xempre hindi mawawala ang mga pasyente na ubod ng kulit at pasaway. Alama naman nilang para sa kanila na nga un ginagawa e aba ginagawa parin ang asal. Kung pede lang silang mura murahin ng harapan para tumino kaso hindi e, kaya nga sila nasa hospital kasi may diperensya tapos gaganunin ko pa, anung klaseng tao naman ako dba? Iniintindi ko na lang ng sobrang lalim kahit sobrang nakakstress ang mga katulad nila.


Monday, January 24, 2011

Sino ako?

Jose Lorenzo ang pangalan na ibinigay sakin ng mga magulang, Jose dahil sa malapit ang birthday ko sa feast ni St. Joseph at Lorenzo dahil devotee ni Lorenzo Ruiz ang aming pamilya. Kung gaano kabanal ang pangalan ko ay  sya namang isinama ng ugali ko! 

Ipinanganak ako sa isang maliit na bayan sa Batangas. Opo probinsiyano po ako kaya walang magaangas dyan dahil akoy nagmula sa bayan ng mga magigiting. Ingat lang dahil sa baon kong balisong hehehe. Biro lang, hindi nga ako marunong gumamit nun e. Hanggang props lang gamit nun sakin.

21 taon gulang sa ngayon at mag 22 sa loob ng 2 buwan. Kung sa laring Bingo e dalawang madreng nakaluhod hindi nga lang alam kung anung ginagawa nila hehehe

Namulat ako sa maayos na pamilya. Bunso ako kaya naman lahat halos ng aking pangangailangan ay kaya nilang tugunan. Nag-aral ako sa private school nun elementary pero napilitang lumipat sa public school dahil sa seryosong family problem. Nawala lahat ng pag-aari namin at muntik pang masira ang aming pamilya. Buti na lang at nakabangon kaming muli.

Nag-aral akong muli sa isang public High School kung saan marami akong magaganda at meron din namang di kagandahan na experience. 

Sa isang sikat na kolehiyo sa Manila ako nagtapos ng pagiging NARS. Swerte ko rin naman at nachambahan ko ang board exam. Buti na lang at di ko naexperience magpaulit ulit ng exam.

Sa ngayon balik probinsya ako dahil andito ang trabaho. maliit nga kita ko pero nasa sarili naman akong bahay saka sa totoo lang wala naman talaga akong pagkakagastusan e.

Sa ngayon ito muna pero sa mga darating pang panahon, mas makikilala nyo rin ako :)))